Kaya ko pa ba?

Isang tanong ang pauli-ulit kong tinatanong sa sarili ko tuwing gabi, “Kaya ko pa ba?”

Sa iba’t ibang bagay na nangyayari ngayun sa buhay mo, kaya mo pa nga kaya? Kaya mo pa kayang harapin ang bukas ng walang takot o pangamba? May iba’t ibang rason kung bakit na itatanong natin ang katagang “Kaya ko pa ba?” hindi man lahat pero ito ang iba: 

  • Namatayan ka– Minsan tao, minsan puso mo.(biro lang!)
  • Problema sa pera – Kulang o ‘di naman kaya’y kapos
  • Trabaho – Hindi mo gusto yung trabaho mo o ‘di mo lang talaga gusto yung pagpapalakad ng boss mo.
  • Pag-aaral – Mahirap dahil sobrang dami mo nangang kaylangang ipasa at aaralin, kapos ka pa pang bayad ng matrikula.
  • Pamilya – minsan sa sobrang gulo hindi mo narin alam kung pamilya pa ba talaga.
  • Sakit – yung nainom mo na lahat ng gamot, wala pading epekto.
  • Pag-ibig – minsan mo nangalang ibigay ang puso mo, napaglaruan pa. (Ga’no kadalas ang minsan mo? Biro lang!)
  • Hindi mo alam – hindi mo alam kung anung problema pero pakiramdam mo meron.

‘Gaya ng sabi ‘ko kanina, hindi lahat ay mailalagay ko, ayoko ng problemahin kung paano ko ‘yun malalagay lahat dahil ‘di naman ako Diyos. Maaring napasama sa listahan na ginawa ko ‘yung problemang pinagdadaanan mo, maaring hindi. Pero ano nga bang sagot sa tanong na “Kaya ko pa ba?”

Nagdadasal ako sa banyo nung nakuha ko ang sagot sa tanong na ‘yan. Oo, sa banyo. Kasi dun lang yung tahimk at lugar kung saan ako lang mag-isa. Hindi lang naman kasi sa simbahan lang pwede mag dasal, kahit saan naman kasi andyan si Lord. Sabi ko pa “Lord, kaya ko pa ba? Kaya ko pa ba?” At naalala ko ito:

2 Corinthians 12:9-10
9 But he said to me, “My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness.” Therefore I will boast all the more gladly about my weaknesses, so that Christ’s power may rest on me.
10 That is why, for Christ’s sake, I delight in weaknesses, in insults, in hardships, in persecutions, in difficulties. For when I am weak, then I am strong.

Nakalimutan ko na hindi ko nga pala laban ‘to. Simula nung sinuko ko ang buhay ko kay Lord, lahat ng laban ko ay sa Kanya na. At sa pinakamahinang parte ng buhay ko, ‘dun ko pinaka makikita ang lakas Niya. Para sa akin nga pala Siya at hindi nagbabago’yun kahit magbago man ang sitwasyon at emosyon ko.

Ang sagot pala sa tanong ko ay simple lang pero importanteng wag nating makalimutan, Kung lahat posible sa Kanya, at Siya ang pinagkukuhaan mo ng lakas… Kakayanin mo. Oo, kakayanin mo kahit ano pa man iyan dahil hindi nangiiwan sa ere si Lord. Ipaglalaban at sasamahan ka Niya hanggang huli. Kakayanin mo dahil para Siya sa’yo.

Eto nga pala yung ibang sagot sa problemang inilagay ko sa listahan: 

Simple lang diba? Si Lord padin. Siya lang talaga.


Kung gusto mo akong makausap tungkol sa usaping ito, punan lamang ang impormasyon: 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s